I am Member of the Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints. This Blog contains about experience about my preparation to go on a mission and experiences in the mission field. Hope you like it and enjoy reading

Friday, June 26, 2015

Sister Riz's Baptism!


                   Kamusta po ang linggo po ninyo? maganda po yung linggo ko ngayon may binyag po kami ^^ hehehe nabinyagan yung investigator namin na nahihirapan na magbasa pero nababasa padin siya heehee masaya ako dahil ako yung nagturo sakanya kasi sobrang humble niya ehehe, malungkot din ang week nato kasi umalis na si Kuya Roy, lumipat na siya sa Manila pero nagpapray padin ako na sana bumalik siya pati yung pinsan niya na si Kuya Jeffrey kasi sayang mabibinyagan na sana sila next week pero alam ko may plano ang Diyos para sakanila.
                 This week din nagtry po kami ng Door to door literally, sobrang nakakakaba padin kasi nagdodoorbell kami at nagtatao po sa mga bahay nasa splits kami noon kasama ko yung mga Ward Missionaries hehehe, nakita ko talaga na nag improve na ako sa pagiging mahiyain ko sa pagkausap sa mga di kilalang tao kasi dati sobrang nanginginig ako pero ngayon no sweat hehehe usap agad hehe ewan ko po ba mas makapal na siguro talaga ang mukha ko ngayon at mas nararamdaman ko na mas nafufulfill ko yung calling ko bilang Missionary and mas nagagamit ako ni Heavenly Father bilang instrument niya para sa mga tao.
                  May goal din po kami sa mission na magkaroon ng baptism in the same day sa July 25. ayun meron na kaming isang ginogoal si Brother Jordan. sana makahanap pa kami ng iba para maaccomplished namin yung goal namin. Meron din kaming investigator ang pangalan niya ay Myla, astig yung Story kung paano namin siya nafind, kasi noong kinausap namin siya sabi niya,"INC po ako pasensya na", tapos biglang lumabas yung asawa niya na lasing tapos sinabi niya,"Mga Mormons? pasok kayo" kaya yun pinapasok kami tapos hindi din naman naking si Brother kaya si Sister na nagreject samin ang humarap, pero after namin na magturo nag open siya samin na excumunicated sila sa INC, at sabi niya na bumalik kami, ngayon masaya na siya na tanggapin kami. 
                kamusta po kayo kamusta po yung family natin? kamusta po ang mga kapatid ko? kamusta po si papa? next week na yung birthday ko tatanda nanaman ako neto hehee. Pagpakatagtag lang po. Ingat kayo palagi at mahal ko po kayo, lagi po kayo sa prayers ko

Muñoz Family, Ibgan Twins, us and Sister Riz
We cannot do it without them

Me, Elder Erickson, Gemma, Riz, Gina, Howard, Elder Flitton  and Joshua
Elder Flitton, Gemma and Me

Molino 2nd Ward Missionaries with Sister Riz
LAST LESSON BEFORE BAPTISM PICTURES





American, Canadian and two Pilipinos

P-day Lunch at KFC and they have Photo Booth


Friday, June 19, 2015

6 Month Mark in the Mission!!!!


                      Alright, 6 month mark, hindi na talaga ako bago, hehee luma na ako dito sa mission, di man pikaluma pero luma na hehehe. This week ay transfer day namin. Sobrang excited ako na nameet ko yung mga bagong mga missionaries may 6 na pumasok this transfer at excited ako next transfer kasi 20 missionaries ang papasok hehehe sa transfer din na ito may bago kaming kasama si Elder Flitton taga Utah siya at trinitrain ni Elder Erickson para maging Finance Elder. Pumunta din si Christian sa transfer day masaya ako na makita siya ulet, siya ang magiting na ward missionary sa San Pedro 3 ^^ District Leader na din si Elder Jackson ang tatay ko sa mission. This transfer masasabak nanaman ako sa madugong englishan hehehe puro English speakers ang mga kasama ko sa office, matututo na ako neto.
                         Mamaya maiinterview na si Sister Riz yehey!! Alam ko na handa na talaga siya, astig talaga siya, napakabless ko na kami ang missionaries na naturo sa kanya, sobrang humble na tao at masipag talaga siya. She will always in my memories. Malungkot din dahil pinauwi si Kuya Jeffrey sa Bicol ng mga parents niya kasi ayaw nila na mabinyagan siya sayang talaga kasi sobrang prepared siya para sa binyag, pero ayos lang meron padin si Roy, masaya kami para kay Roy dahil meron na siya bagong mga Friends sa Church!! 
                         Meron din kaming video sa blogspot ko na nalalaro ng apoy hehehe masaya din ako sa friendship na nabubuild namin sa Mercado Family hehehe isa sila sa maraming family ko dito sa mission ^^ hehehe Masaya ako dito sa mission, hindi ko pagpapalit ang mga bagay na nangyayari sakin ngayon sa kung saan man. Mahal ko po kayo at Lagi kayo sa panalangin ko Ingat!!!

Elder Lorenzo
Office Supply Secretary
Philippines Cavite Mission




Sloppy Joe with the Petersens

Here comes the new assistant!

Wreck van in our area


Street in Los Pinos
Office Stuff

Bible Manga

Last Interviews

                                                 


Friday, June 12, 2015

Zone Conference!!!

                  This week ay ang aming Zone Conference. June 10, 2015 sa Bacoor Stake Center. Masayang aming Zone Conference dahil lahat kaming nasa batch namin na natitira nalang sa mission ay nasa isang Zone Conference. Parang Alma at sons of Mosiah ang nangyari masaya kami dahil we are still in our mission. At bilang mga Office Elders kasama ang aking companion na si Elder Erickson nagkaroon kami ng kunting games, Jeopardy about Preach My Gospel. masaya kaming lahat dahil naging competitive ang lahat pero walang contention just fun!! pero syempre hindi ko makakalimutan ang spiritual experiences sa Zone Conference. Kung gaano kaimportante ang OYM para mafulfill ang purpose as missionary, gustong gusto ko kung paano inempasize ang salitang "DECLARE". at ang Small and Simple things ang kasama din sa mga topics na isa sa mga paborito kong topic sa Book of Mormon. I really testify na sa bawat small and simple things na ginagawa natin ay makakaapekto sa ating results ng ating everyday life, bilang mga missionaries makakaapekto sa mga taong tinuturuan at effectiveness bilang missionary. Pumunta din kami sa Zone Conference sa Dasma Stake para gawin ulit ang Game! Malungkot din kami kasi aalis na yung mga Rigbys tapos na ang mission nila bilang Couples. 
                  Sa aming area naman. gusto kong ishare kung gaano talaga ako ka-grateful na ako ang missionary na nagtuturo sa kila Riz, Jeffrey at Roy. Maturuan ang mga humble na taong ito na ang desire nila na magbago at mapalapit sa Diyos. Masaya din ako sa mga taong nasa area namin especially sa mga members na tumutulong sakin. Nakikita ko kung gaano sila ka excited na maishare ang Gospel na nakapagpabago sakanila. I know this work is true the work not only for missionaries for all the member of the church WE ARE ONE. Mahal ko kayo at lagi kayo sa mga panalangin ko.


Elder Lorenzo
Office Supply Secretary
Philippines Cavite Mission



2000 Stripling Warriors by Sister Tye!

Jeopardy Game prepared by me and Elder Erickson
Game on Bacoor
Game on Dasma
Listen to Big Daddy Tye

Zone Conference Picture



Navales Siblings on the Roof!

Saturday, June 6, 2015

L. Tom Perry + Baptism + My Mom's Birthday

                   Last Saturday Elder L. Tom Perry past away an ordinary man with an extraordinary calling. We put black ribbon on his picture in the office as recognition to him. We love him and we will miss his talks as he bear his strong testimony.
                  Last Saturday in the same day, Baptism nila Glen at Pia Navales. Masaya kami kasi kasama din namin ang Sena Family sa baptism na yun mga investigators nila Elder Hansen at Elder Espiritu. Marami ding mga members na dumalo ng Baptism kasama na si President Tye, after ng Baptism nanood sila ng "Meet the Mormons" pero sayang di kami allowed hehehe.
                   Sa aming area maganda talaga ang week ngayon para samin ni Elder Erickson dahil si Sister Riz patuloy padin siya sa pagpoprogress kahit si kami nagpagshare sakanya ng matagal dahil sa di siya makapunta sa meeting place dahil sa trabaho niya, nagbabasa padin siya ng Aklat ni Mormon, sobrang malakas ang desire niya. She is on her way to Heavenly Father she is getting ready for Baptism sa June 27. At si Roy and Jeffrey gusto na nilang magpabinyag YEHEY!!!! salamat sa effort ni Brother Wilson Nocedo na kumausap sakanila kung bakit mahalaga ang binyag ^^ hehehe nagGoal kami sa July 4. Sobrang masaya talaga ako sa area na ito. By the way this week pumunta kami ng MTC pero malas kasi di kami nakaabot sa lunch naubosan kami ng ulam kasi yun nagsalad salad nalang kami at tinapay hehehe I love you everyone and you are always in my prayers I just want to greet my MOM!!
HAPPY BIRTHDAY MOM, THE BEST MOM EVER :))

Elder Lorenzo
Office Supply Secretary
Philippines Cavite Mission

The First Presidency and The Twelve Apostles


Glenford and Jasmin Pearl Navales

Baptism of Navales Siblings and Sena Family

Our Humble Office

Ramdom Pictures in the area where I serve :)