Kamusta po ang linggo po ninyo? maganda po yung linggo ko ngayon may binyag po kami ^^ hehehe nabinyagan yung investigator namin na nahihirapan na magbasa pero nababasa padin siya heehee masaya ako dahil ako yung nagturo sakanya kasi sobrang humble niya ehehe, malungkot din ang week nato kasi umalis na si Kuya Roy, lumipat na siya sa Manila pero nagpapray padin ako na sana bumalik siya pati yung pinsan niya na si Kuya Jeffrey kasi sayang mabibinyagan na sana sila next week pero alam ko may plano ang Diyos para sakanila.
This week din nagtry po kami ng Door to door literally, sobrang nakakakaba padin kasi nagdodoorbell kami at nagtatao po sa mga bahay nasa splits kami noon kasama ko yung mga Ward Missionaries hehehe, nakita ko talaga na nag improve na ako sa pagiging mahiyain ko sa pagkausap sa mga di kilalang tao kasi dati sobrang nanginginig ako pero ngayon no sweat hehehe usap agad hehe ewan ko po ba mas makapal na siguro talaga ang mukha ko ngayon at mas nararamdaman ko na mas nafufulfill ko yung calling ko bilang Missionary and mas nagagamit ako ni Heavenly Father bilang instrument niya para sa mga tao.
May goal din po kami sa mission na magkaroon ng baptism in the same day sa July 25. ayun meron na kaming isang ginogoal si Brother Jordan. sana makahanap pa kami ng iba para maaccomplished namin yung goal namin. Meron din kaming investigator ang pangalan niya ay Myla, astig yung Story kung paano namin siya nafind, kasi noong kinausap namin siya sabi niya,"INC po ako pasensya na", tapos biglang lumabas yung asawa niya na lasing tapos sinabi niya,"Mga Mormons? pasok kayo" kaya yun pinapasok kami tapos hindi din naman naking si Brother kaya si Sister na nagreject samin ang humarap, pero after namin na magturo nag open siya samin na excumunicated sila sa INC, at sabi niya na bumalik kami, ngayon masaya na siya na tanggapin kami.
kamusta po kayo kamusta po yung family natin? kamusta po ang mga kapatid ko? kamusta po si papa? next week na yung birthday ko tatanda nanaman ako neto hehee. Pagpakatagtag lang po. Ingat kayo palagi at mahal ko po kayo, lagi po kayo sa prayers ko
Muñoz Family, Ibgan Twins, us and Sister Riz We cannot do it without them |
Me, Elder Erickson, Gemma, Riz, Gina, Howard, Elder Flitton and Joshua |
Elder Flitton, Gemma and Me |
Molino 2nd Ward Missionaries with Sister Riz |
LAST LESSON BEFORE BAPTISM PICTURES
American, Canadian and two Pilipinos |
No comments:
Post a Comment