This week tulad ng nakagawian ng mga Filipino, Brigada Eskwela na!!! at bilang mga missionaries ito ang isang opportunity para makapagcommunity service. naglinis kami sa munting paaralan ng Buhay na bato elementary school - maharlika annex binigyan kami ng letter of invitation para makasali sa activity na ito kaya nakapaglinis kami at astig dahil hindi lang kami ang mga members ng church ang naglinis para dito pati din ang mga members ng ibang pananampalataya, nung una kala ko parang baka may contention kasi iba't ibang beliefs pero naamaze ako sa unity ng bawat isa sa activity na iyon, I brings hope na possible talaga ang unity sa bawat isa, walang discrimination sa bawat isa kasi sabay sabay kaming kumain kasama sila at nagshare share kami ng pagkain na dala astig talaga yung nangyari. Ang nakaramdam lang ng kunting discrimination ay kaming dalawang filipino missionaries galing sa mga teachers ng school kasi yung mga foreigner missionaries lang sila nagpapicture hahaha pero okay lang, naiintindihan namin hehehe kamusta kayo? Ingat kayo palagi at lagi ninyong tatandaan lagi kayo sa mga panalangin ko hehehe kahit 15mins na akong nakaluhod para sainyo palagi ko yang ginagawa ^^ mahal ko kayo ^^
Elder Lorenzo
Office Supply Secretary
Philippines Cavite Mission
No comments:
Post a Comment