This week ang tungkol sa aking kaignorantehan. pero kasi ganito yan, diba halos lahat ng mga doorbell sa probinsya hindi gumagana o kaya sira, One time pumunta kami sa bahay ng isang referral, edi syempre tao po kami ng tao po pero walang sumasagot tapos nakita ko ang isang doorbell sa gate nila sabi ko sa companion ko doorbell tayo tapos pindot ko, medyo luma yung doorbell kaya sabi ko "Sira ata itong doorbell" sabay pindot ako ng pindot, sabi ng companion ko "Wag! pano kung gunagana edi madami na yung pagdoorbell mo!" luckily walang tao pero gumagana talaga yung door bell hehehe nakakabaliw pero masaya hehehe
This week narealized ko din kung gaano kahalaga ang calling as Supply Secretary dito sa mission kasi one time nakalimutan kong magdala ng pamphlet sa isang appointment namin at naramdaman ko kung gaano kahirap yan na walang supply, walang ibang tools na makakatulong para sa mga missionaries, kaya dapat order lang ng order hehehe at itong mga pictures ko ngayon ay hindi sila mga pagkain ito ang mga bata sa area namin na niyaya kaming magpicture hehehe mga "BATANG WACKY" favorite ko yung batang may mangga hehehe yan WACKY POST of the WEEK hahaha.
Masaya ako dito sa mission ko at sana masaya din kayo ^^ hehehe lagi ninyong tatandaan na palagi po kayo sa prayers ko at lagi ko kayong iniisip, mahal ko ang mission ko at ang area ko ngayon, ingat kayo palagi at laging sundin ang halimbawa ni Jesucristo, Have Faith Continually and be not dismayed, I Love you!!
Elder Lorenzo
Office Supply Secretary
Philippines Cavite Mission
No comments:
Post a Comment